Tula Ukol Sa Kalayaan Ng Pilipinas Essay

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay naganap noong Hunyo 12, 1898 kung kaIlan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo, ang sinasabing tunay na kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ika-4 ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga mananalaysay. Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa nasabing batas na ang petsang Hunyo 12, ay kinikilala bilang Araw ng Watawat at siya ring Araw ng Kalayaan.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahayag sa gitna ng pulutong ng mga tao noong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas kuwatro at alas singko ng hapon. Ginanap ang makasaysayang kaganapan sa ansestral na tahanan ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa Caviete el Viejo (na ngayon ay Kawit, Cavite) tatlumpung kilometro sa katimugan ng Manila. Isa sa naging tampok na pangyayari ay ang paglaladlad sa pambansang watawat ng Pilipinas na ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza at ang pagtatanghal ng Marcha Filipina Magdalo, ang tinaguriang pambansang awit ng Pilipinas na ngayon ay naging Lupang Hinirang, na isinulat ni Julian Felipe at tinugtog ng San Francisco de Malabon Marching band.

Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at walong tao ang lumagda sa naturang proklamasyon kabilang na ang isang opisyal na amerikano, si L.M.Johnson.

Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino, ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay ginawan ng balangkas at binasa sa naturang pagdiriwang ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang Pilipinas ay malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya. Ang bansang Espanya ay dumating sa Pilipinas noong 1521 at itinuring ang Pilipinas na lupang kanyang nasasakupan sa loob halos ng apat na siglo. (Wikifilipino)

Araw ng Kalayaan

Dambana ni Aguinaldo kung saan inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan

Ginugunita saPilipinas
UriPambansa
KahalagahanPagpapahayag ng kalayaan mula sa kolonisasyon ng mga Kastila
PetsaHunyo 12, 1898
Mga pagdiriwangAraw ng Kalayaan

Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang araw ng paggunita ng kasarinlan ay nag-iba-iba sa buong kasaysayan ng bansa. Ang pinakaunang tala ay noong 12 Abril 1895, kung kailan tumungo sina Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Sinulat ni Bonifacio ang Viva la independencia Filipina! o Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan. Namuno din si Bonifacio sa Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyong Pilipino. Dito pinunit ng mga kasapi ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio ang kanilang mga sedula bilang pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.

Noong 1896 ay sumiklab ang Rebolusyong Pilipino at noong Disyembre 1897 ay nagkasundo ang mga mananakop na Kastila at mga rebolusyonaryo sa ilalim ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Bilang pagsunod sa kasunduan, pinatapon sa Hong Kong sina Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinuno ng himagsikan.[1]

Sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey mula Hong Kong patungo sa Look ng Maynila at pinamunuan ang iskuwadra ng Hukbong Pandagat ng Amerika. Noong 1 Mayo 1898 ay nagapi ni Dewey ang Hukbong Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila, na siyang nagtapos sa pamumuno ng Kastila sa Pilipinas. Sa buwan ding iyon ay inihatid ng Hukbong Dagat ng Amerika si Aguinaldo pabalik ng Pilipinas.[2] Nakarating si Aguinaldo sa Cavite noong 19 Mayo 1898 at tinipon ang mga puwersang rebolusyonaryo. Bandang Hunyo 1898 ay inisip ni Aguinaldo na magpahayag ng kasarinlan upang bigyan ng lakas ng loob ang mga taong-bayan na labanan ang mga Kastila at gayundin upang himukin ang ibang mga bansa na kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas.

Noong 5 Hunyo 1898, naglabas si Aguinaldo ng isang kautusan na nagtatakda sa 12 Hunyo 1898 bilag araw ng pagpapahayag ng kasarinlan. Pinamunuan ni Aguinaldo ang nasabing kaganapan sa kaniyang tirahan sa Kawit, Cavite na noon ay kilala bilang Cavite El Viejo. Ang Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino ay taimtim na binasa ng patnugot nito na si Ambrosio Rianzares Bautista, na nagsilbing tagapayo sa digmaan ni Aguinaldo at kaniyang espesyal na delegado. Ang kapahayagan na naglalaman ng 21 pahina ay nilagdaan ng 97 mga Pilipino, na tinalaga ni Aguinaldo, at isang retiradong opisyal ng artilerya ng hukbong Amerika na si Koronel L.M. Johnson. Ang watawat ay opisyal na winagayway sa unang pagkakataon bandang 4:20 ng hapon, habang pinapatugtog ng banda ng San Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina.

Ang proklamasyon noong 1 Agosto 1898 ay niratipika ng 190 mga pangulo ng bayan mula sa 16 mga probinsya na kontrolado ng hukbong rebolusyonaryo. Muli itong niratipika noong 29 Setyembre 1898 ng Kongreso ng Malolos.[3]

Ngunit hindi kinilala ng ibang mga bansa, maging ng Estados Unidos o ng Espanya, ang kasarinlan ng Pilipinas. Kinalaunan ay sinuko ng Espanya ang kapuluan ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris. Hindi kinilala ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas ang kasunduan at kinalaunan ay nagpahayag ng digmaan laban sa Amerika.[4][5]

Sa ilalim ng Kasunduan sa Maynila ay pinagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo, 1946.[6] Ang petsa ng 4 Hulyo ay pinili ng Estados Unidos dahil ito ang petsa ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos, at ang petsang ito ay ginugunita din sa Pilipinas bilang kaniyang Araw ng Kalayaan hanggang 1962. Noong 12 Mayo 1962, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon ng Pangulo Blg 28, na siyang nagtatakda sa 12 Hunyo bilang natatanging pista opisyal sa buong Pilipinas, "... bilang paggunita sa kapahayagan ng sambayanan sa kanilang likas at di-mapagkakait na karapatan sa kalayaan at kasarinlan.[7]" Noong 4 Agosto 1964 ay isinabatas ang Batas Republika Blg 4166 na nagtatakda sa 4 Hulyo bilang "Araw ng Republika ng Pilipinas", sa 12 Hunyo bilang "Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas", at hinihimok ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na gunitain ang huling nabanggit ng naaayon.[8]

Araw ng Watawat[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago pa man ang taong 1964, ang 12 Hunyo ay ginugunita na bilang Araw ng Watawat sa Pilipinas. Noong 1965 ay naglabas si Diosdado Macapagal ng Proklamasyon Blg 374, na siyang naglilipat ng Pambansang Araw ng Watawat sa 28 Mayo. Ito ang araw kung kailan noong 1898 ay unang winagayway ang Watawat ng Pilipinas sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite. Noong 1994, naglabas si Pangulong Fidel V. Ramos ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 179, na siyang nagpapalawig ng paggunita nito mula 28 Mayo hanggang sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas sa 12 Hunyo, at siyang nag-uutos din sa lahat ng mga kagawaran, sangay, ahensya, tanggapan, ari-arian, mga korporasyon, at maging lokal na yunit ng pamahalaan at maging mga pribadong establisyimento na ipakita ang Pambansang Watawat sa lahat ng mga pampublikong gusali, institusyon ng pamahalaan at mga opisyal na tirahan sa mga araw na iyon, at pinag-uutuos ang Kagawaran ng Edukasyon sa pakikipagtuluingan ng pribadong sektor, non-government organization at maging mga grupong sosyo-sibiko na makilahok sa pagpapakita ng Pambansang Watawat sa lahat ng mga pampublikong liwasan, at kung maaari, sa lahat ng mga pribadong gusali at mga tirahan bilang paggunita sa pambansang kasarinlan.[9][10]

Mga karaniwang gawain sa pista[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pista opisyal na ito ay karaniwang ginugugol ng mga Pilipino upang magsama ang mga magkakamag-anak o mga kaibigan sa mga aktibidad sa panlabas o panloob. Lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan, at maging ilan sa mga establisyimentong pang-komersyo, ang sarado sa araw na ito. Bilang pagsunod sa batas, ang Watawat ng Pilipinas na unang winagayway noong 1898, ay nakapalamuti sa mga tahanan at establisyimento mula 28 Mayo, Araw ng Watawat, o sa petsang tinatakda ng Pambansang Komisyong Kasaysayan ng Pilipinas, na siyang nagsisilbi bilang tagapanguna sa mga pagdiriwang, hanggang sa ika-30 ng buwan. Ang pagpapailaw ng mga kuwitis ay karaniwan. Taun-taon ay ginugunita sa Kawit, Cavite ang pagsasadula ng pagwagayway ng watawat sa Dambana ni Aguinaldo at ang pagbasa ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. Sa ibayong dagat ay nagtitipon ang mga Pilipino tuwing 12 Hunyo upang gunitain ito sa publiko, at kalimitan ay may kasama itong parada.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ↑Halstead, Murat (1898). The Story of the Philippines and Our New Possessions, Including the Ladrones, Hawaii, Cuba and Porto Rico. p. 126. http://books.google.com/?id=lIQcwt7g2wkC. 
  2. ↑Agoncillo,, Teodor A. (1990). History of the Filipino people ([8th ed.]. ed.). Quezon City: Garotech. p. 157. ISBN 978-9718711064. 
  3. ↑[1]
  4. ↑De Ojeda, Jaime. "The Spanish–American War of 1898: A Spanish View." Library of Congress: Hispanic Division.
  5. ↑Koenig, Louis W. (1982). "The Presidency of William McKinley" by Lewis L. Gould: Review. Presidential Studies Quarterly, Vol. 12, No. 3: pg. 448.
  6. ↑(PDF) TREATY OF GENERAL RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES OF AMERICA AND THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. SIGNED AT MANILA, ON 4 JULY 1946, United Nations, sininop mula sa orihinal na pahina noong 2011-07-23, http://web.archive.org/web/20110723021900/http://untreaty.un.org/unts/1_60000/1/6/00000254.pdf, hinango noong 2007-12-10 
  7. ↑Diosdado Macapagal, Proclamation No. 28 Declaring June 12 as Philippine Independence Day, Philippine History Group of Los Angeles, http://www.bibingka.com/phg/documents/jun12.htm, hinango noong 2009-11-11 
  8. AN ACT CHANGING THE DATE OF PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY FROM JULY FOUR TO JUNE TWELVE, AND DECLARING JULY FOUR AS PHILIPPINE REPUBLIC DAY, FURTHER AMENDING FOR THE PURPOSE SECTION TWENTY-NINE OF THE REVISED ADMINISTRATIVE CODE, Chanrobles Law Library, August 4, 1964, http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno4166.html, hinango noong 2009-11-11 
  9. ↑The Flag Days: May 28 to June 12, May 27, 2014, Official Gazette of the Philippine Government,
  10. ↑Executive Order No. 179, s. 1994, May 24, 1994, Official Gazette of the Philippine Government.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898, na isinasalarawan sa likod ng limang pisong papel.

0 thoughts on “Tula Ukol Sa Kalayaan Ng Pilipinas Essay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *